|
Friday, May 18, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Isa akong babaeng umaasa sa isang tweetback ng babaeng macho! Hindi ako ganun ka expressive ng feelings. Kaya ewan, kung ano-ano nalang tnweet ko kay Julie. OL siya kaya sinamantala ko na na mag tweet ng kung ano-ano. Umaasa na, magreply siya. Kahit man lang sa twitter at FB makatanggap ako ng reply sknya. Kasi. di naman ako nakakapunta sa mga shows niya. Saklap eno? Hanggang TV at social networking sites nalang ata ako. Kailan ko kaya siya makikita? Haaay. Litsi. Ang drama. Hahaha! Fan girling lang ang peg kanina. Pero ayuuun, di pinalad. Ok lang. Masaya nakong nakikitang nirereplyan niya yung iba. <|3 HAHA Choos. May next time pa naman eh. Ayun lang naman ang gawain ko sa mundong ito, maghintay para sa tamang pagkakataon para makita ko na siya! I’m sure, NGANGA ako kapag nakita ko ang kagandahan niya. Woot. Can’t wait! ♥
|
Monday, January 16, 2012
|
I-tutor nyo nga koo? Hahaha :))
Flowcharting is damn hard. Kung hindi mo iintindihin yung problem, nakoo NGANGA ka nlang! Kalerqui.
|
Friday, January 13, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Magtatumblr nako uli. Hahaha :)) Gawin kong personal blog ‘toh. :D
|
Friday, December 16, 2011
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Monday. 12/12/11
Dahil nakapag Prelim na kami sa first subject (ICT),8:30 na yung next class. Ang daya lang dahil may klase pa tho, hindi nag discuss. Nagbigay lang donation at nag groupings. Bunutan ang nangyari, 3rd to the last group na pero di parin kami nagbubunot. Si Jas yung tinawag na next na bubunot. Astig dahil magkakasama kami nila Jas, Mahal at Donna. HAHAHAHA. Dahil yun sa iisa yung papel na gamit namen. Madulas kasi yun tska medyo makapal kaya napili niya agad yung samin. Haha!
Sa next class namen, 11:30 pa. So yun, nagreview nalang kami kasi Prelim din namin nun sa Filipino. Medyo easy lang. HAHAHA. Goodluck nalang sa result. :DD
P.E na, nag dougie lang kami. Hahaha. Hindi na nagpa quiz Prof. namen. Next year na daw ee. :)) Saya lang namin. Naghanda lang kami para sa presentation namen next yr. Wala pa kaming nabubuo na kahit ano. <//3 Kanta pa lang ang sigurado.
CWTS, mag aantay pa kami ng more than 1hr para dun. May lumapit saming babae, kailangan daw kami dun sa OSDS. Kailangan daw yun para sa subject namin. Tengene, yun pala gagawin lang kaming taga nuod at taga-rate nung ginawa nilang Commercial. Laughtrip lang. Haha!
After nun. umalis na kami. Dun kami tumambay sa malapit sa Gym para intayin yung ibang classmate namin na Engineering. Antagal lang nila. 9 nlang kami kaya pinatext na nung ST yung Prof namen kung itutuloy pa ba yung klase. While waiting… Tentenententen! May dumating na naka motor. Back ride siya, yieee. Wala lang. Masaya kasi nakita ko siya. Haha.
Tambay.Picture.Trip.Trip.Trip.Laughtrip. Haha. Masaya kapag sila kasama. SFGirls♥
Tuesday. 12/13/11
Pagkatapos ng brainstorming test sa Calculus1, nagpakasaya kami. :)) Pumunta kami ng Fun House, ang tambayan after class. Nung papasok na kami. Mygali. Nakita namin Siya.
*buong grupo naglalakad* *sila ng friend nya nakatambay, may binibili ata*
Class1: Jas. Jas.
Class2: Anu ba yan mahal.
Ako: NAPAGHAHALAHATA.
Hahaha. Adik kasi, kelangan pag nakikita namin Siya tatawagin nya yung name nung may Crush dun? XD Buti hindi ako yung tinawag. Haha! XD
Nung nadun na kami sa Fun House, naglaro nalang kami ng Indiana Jones. Ayun lang naman talaga yung game na dinayo namin dun. Nageenjoy kasi kami pagnilalaro namin yun. :))
Wednesday. 12/14/11
Nag punta kami ng Antipolo as christmas party namen. Astig lang. Lakad much. Daeng tawa, super ENJOY!
Tas umuwi nakoo. Gabi na kasi. Trapik pa sa Junction hanggang Muzon. Grabe lang. Pagod much din ng araw nato ee. Hahaha. :)) Pero masaya! :D
Thursday 12/15/11
8:38 nak nagising. Ee ang usapan 8:30 papasok. Haha. Super mega late. Pero K lang, pagdating ko sila palang tao dun sa venue. Hahaha. Hindi benta yung party ng College namen. Puro friends lang ata ng Officers yung pumunta dun. Pero yung ibang college naman sa university nag eenjoy? Nagintay parin kami. Kumain. Tas bumalik. Medyo madami na. 4 nalang kaming bumalik dun. At dahil nagtetext yung mga naiwan namin sa labas, lumabas si Jas. Toinks. Nalaman ko nalang nagslide na pala ng bongga. HAHAHA. Ang nakakatawa dun, mas una pa niyang tinayo yung bangko kesa sa sarili niya. XDD
Ang nakakaasar naman sa part niya, nakita ng crush niya yung pangyayaring yun. Hahahahahaha. KALOKA noh? XD
Btw, Nakita ko siya nung mga oras nato. :))
Pagkatapos ng slide epek, nag upo lang kami sandali tas pumunta na ng FH. Syempre para mag Indiana Jones! Hahaha. Sayang, nageenjoy na pa naman ako. Kelangan ko lang umalis agad kasi, pupunta na uli ako ng Antipolo.
Nung nasa Ynares nako, 1hr din ako nagantay kina mama.
Sumayaw sila|Nagpipicture ako.| Ang hirap pala ng dalawa ang hawak na cam noh? Hindi ko alam kung ano gagamitin kong pampicture sa mga sumasayaw. Haha!
So nung tapos na sila, nag ayos lang tas umalis agad. Grabehan lang yung route na dinaanan pauwi. Antipolo-> Angono-> Quarry -> Pantok. Nadaanan namin yung Thunderbird resorts. Ang ganda. Madaming christmas lights. haha. Andami pating tao. Sa Quarry naman. Ang lakas maka-The Road nung daan. Parang one way nalang. Ang kitid nung daan. Ang dilim pa. Katakot. So yun, nung dumating na samin. Natulog agad ako. Pagod msyadoo. Haha.
Friday 12/16/11
Dama ko na yung Christmas break. Ang boring kaya. Bahay lang. <//3
PC. Linis bahay. PC. PC. Luto. PC. at ngayon, 12:01am na. PC parin. Sarap buhay. Haha.
Ang haba. :OO May magbabasa kaya neto? Haha. Goodluck.
|
Saturday, December 3, 2011
|
Iba yung feeling kapag nasa paligid lang Siya.
Iba yung ngiti ko kapag nakikita ko Siya.
I first saw him nung Mr. & Ms. University ng University namen. Nanood kami ng mga classmates ko, and nanood din SIYA with his friends. Hindi ko siya napansin agad, dahil yung eye catcher kasi sa grupo nila e, yung kaibigan nya, gwapo ba naman ii? yung kaibigan niya, crush ng classmate ko. And we’re teasing her dun sa guy. Then, may bestfrienemie says, “Ja, mas gwapo yung katabi niya.” which is SIYA. Simula noon *habang nagpapatuloy yung program*, Nagsimula nako tumgin ng tumngin sakanya. Nakaw tingin ang drama ko. =) Tinukso nako ng frienemie ko nun na CRUSH ko daw si SIYA. Syempre ako, aamin bako? I keep on denying abt that matter. Kasi, hindi naman talaga! Nung mga sumunod na araw, sinasabi parin ng frienemie ko na crush ko daw si Siya. Hanggang napapadalas na yung pag tease niya sakin kay Siya.
Tuwing nakikita namin Siya, patuloy ang tuksuhan thingy.
Isang araw, nung pauwi ako. habang naglalakad papunta sa may sakayan ng jeep. Nakita ko siya sa may Computer Shop malapit sa University. And I was like Asdfghjkl. I felt happy. Yung ngiti ko, gassh XD Nag-GM agad ako. At nagreact na ang mga friends ko. Haha! Simula nun, yung GM ko. May name niya sa huli. Actually, hindi full name. 3 letters lang siya ng nickname niya. =)) Patapos na yung semester nun.
Nung enrollment ng second sem. While we’re sitting in front of School’s internet cafe. Papadating Siya. Tinawag agad ako ng friend ko. Tae, halata yun ha?! :| Halata yun na tinawag ako para ipaalam na dadating Siya. Pero, happy pa din kasi nakita ko siya. Minsan ko lang kasi Siya makita. :))
First Day of class, Excited ako kasi makikita ko na Siya. Ilang linggo din yung sembreak noh? XD 10am class namen. And guess what? habang nagdidiscuss yung Prof. namen ab’t some stuff. Tinawag ako ng classmate ko, Gasss. Asdfghjkl nakasilip siya sa may bintana! haha. ♥ Ang ngiti ko? hindi mawala wala! Halatang halata na Happy e! Haha!
And days past by…
Lumabas kami ng school for some reason na nakalimutan ko na, at nung papalabas na kami. Papasok naman siya. :)) At first sight, i was still wondering kung siya ba talaga yun. *ambilis nung oras* Tinawag ako ni frienemie na nasa likod ko, lumingon ako. Paglingon ko kay Siya. Nakita ko siya, nakatingin sakin… Asdfghjkl. Asdfghjkl. kinabahan ako, kasi alam ko, alam niyang siya yung dahilan ng pagtawag sakin. Paglagpas niya samin, napatawa yung frienemie ko. Haha. Gagi yun ii.
Pagkatapos nun, ilang araw ko din bago siya makita.
InterCampus. Nagchecheer kami para sa volleyball team ng campus namen, nakita ko Siya nanonood din. Ang layo niya from us, pero parang nakita niya ko? Kasi umalis na Siya agad. :|
Ewan ko ba? Parang bang laki ng campus namen at minsan ko lang siya makita. -__-
Nung “asdfghjkl.” Birthday niya. Gusto ko sanag batiin na sa FB nung madaling araw kaso, ako unang babati? Grabe naman? haha. Paulit ulit kun sinabi sa mga friends ko na birthday niya nung araw na yun at kabirthday niya si ***. Haha! Pauwi na kami. Nagyaya akong pumunta sa FunHouse. Yung bestfriend ko na lagi kong kasabay umuwi, hindi ko sinabayan. Kase pupunta kaming FunHouse at siya nagmamadali at manunuod daw ng PBB. Pagdating namin sa FH, Asdfghjkl. Nakita ko siya. :”“”> Pababa siya ng hagdan. Tumalikod ako agad. Sinenyasan ko si Frienemie na nandyan siya. XDD Nung nakadaan na, sabi ba naman sakin. “Gagi ka ja aa. Sinadya mo talagang tumalikod tas haharap ka para maka harap mo siya.” Haha! Pero ang totoo, Ayako lang talaga humarap. XD
So yuun? Happy nanaman akoo. XD
Pagkauwi ko, binati ko agad siya sa FB.
Nakita ko yung ibang nag-greet na nilike niya. Ilang beses ko din binisita yung profile niya kung nag.OL naba siya at kung nagcomment siya sa post ko. -___- kanina lang, tinignan ko uli. Nakita ko lahat nilike niya except sa Wallpost ko. :( Yung feeling ng? Hayyssst. Lakas mam BV! Nakakaasar. Sarap magmura. :”| Kirot sa puso ee. haha. XDD
Kung makareact ako kala mo kung sino eno? haha. Yung last part lang naman ang nagudyok sakin na gawin to’ng blog nato ee. Habang nire- reminisce ko, habang nagtatype ako. unti unting nawawala yung BV ko. pero nung pagdating sa huli, BV ageen. -___- hindi ko lang matanggap? hahaha!
Hindi to love? K? Infatuation ‘to. :)) Alam ko. Dahil ramdam ko. :DD
Binasa mo? Salamat! :*
|
Tuesday, November 29, 2011
|

*ctto
Yung totoo? kayo na ba?! Haha. *parang sasagot sila eno.*
Totoo kaya yung issue dati?! Napaisip tuloy akoo. Pero wala namang masama kung maging sila diba?! Wala naman akong (tayong) magagwa. Kung dun masaya si Elmo?! Edi goo.
Ang FAIL lang nung mga haters.
Love ko si Elmo. Love ko din si Julie. Ok lang naman sakin kung sino mga nakakasama nila. What important is, they’re giving their best when they’re performing on stage, Pinapasaya nila mga fans nila lalo na when they’re together. Pero ba’t sila?! Kailangan sila lang dalawa together?! Habang buhay, ganun?! Haha. Syempre they have their own lifes din. I’m a JuliElmo fan, kinikilig kapag nakikita sila together. Peroo may mga bagay na may limitasyon. Kung hanggang friends lang sila, then goo. Hindi naman natin dapat magalit or maging hater nila kung may mga magiging karelasyon silang iba. XDD
Okaayy. Fine. Whatever. Shattap nakoo. XD
Thoughts…off*
|
Wednesday, November 16, 2011
|
/
Reblog
/
Read More!
|

*excusemyface*
Meryenda koo. Hahaha. Ang sarap kaya! Try moe?! :”“>
|
Monday, November 14, 2011
|
/
Reblog
/
Read More!
|
Kakainstall ko lang ee. haha! :D
|
Monday, November 7, 2011
|
pinapatulog nakoooo. Tae inaayus ko pa theme ko iih. Laki ng picture ko dun. HAHAHAHA. Ayusin ko pagkagising. :))
|
Saturday, November 5, 2011
|
/
Reblog
/
Read More!
|
|
Saturday, November 5, 2011
|
/
Reblog
/
Read More!
|

|
Wednesday, November 2, 2011
|
Ako: *Nakakita ng maliit na frog*
Maaaa, may naghahanap sayoo.
Mama: Sino?
Ako: Ayuun oh. Palaka. Haha :))
Kuya itaboy mu. papasok naa. Daliii.
Mama: Ikaw na magtaboy.
Ayan naa. *Binato ng tsinelas*
Chooooooooo!
Ako: Hahaha. Ayy, ASO?! Haha XD
|
Friday, October 28, 2011
|
/
Reblog
/
Read More!
|